Ako nga pala si Roxanne..isang ordinaryong estudyante minsan kalog,nakikisabay sa mga biro ng aking mga kaklase ko, minsan naman tahimik kasi dito ko lang naiilugar yung sarili ko kapag di ko na alam yung mga estorya naririnig ko at isang anak na nangarap din na bigyan ng kinabukasan ang pamilya balang araw.
Pero sa ngayon ito po muna ako gustong ko munang ma-enjoy yung college life ko,kahit ang hirap na nang kursong kinuha ko hindi parin ako sumusuko kasi alam kung matutupad ko rin ang mga parangap na inaasam-asam ko para sa pamilya ko at sa sarili ko balang araw .Buti nalang nandyan parati ang pamilya ko upang magbigay nang inspirasyon at bigyan ako ng mga payo na puno ng pagmamahal ,kung anong mali at ang tama.Wala akong pigsisisi na sila yung naging pamilya ko kasi mahal nila ako at nararamdaman ko yun araw-araw kahit na minsan pinapagalitan nila ako kasi mali nga ako pero okay lang naman dahil tanggap ko yun at naiintindihan ko sila kasi nag-aalala rin sila sa akin at mahal na mahal ko din sila ng sobra kung alam lang nila,hindi ko kasi nasasabi pero alam kung nararamdaman nila yun .At yung mga kaibigan ko rin pala na laging nandyan din upang magbigay saya kahit alam nila na may problema akong dinaramadam..sabi nga nila"tawanan mulang ang mga problema mo friend,kahit alam mong ang bigat-bigat at ang sakit-sakit na ".Masaya ako dahil sila yung naging kaibigan ko,hindi sila yung tipong bad influence sa 'kin sa katunayan nga sila yung naing magandang influence sa'kin kasi masarap silang makisama at kung ano man ang problema nang isa,sama-samang dinadamayan ka at nagbibigay ng magagandang payo ..Salamat sa kanila!!!! at ito pa mayron akong taong especial sa akin.. Isang lalaki na kahit malayo siya, naging inspirasyon ko na rin dahil binibigyan niya ako ng pagpapahalaga kahit busy man siya o maysakit man ako lagi parin siyang nasa tabi ko para magbigay ng comport at pagmamahal at nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya at sa mga taong naging bahagi ng libro ng buhay ko at laging nandyan para bigyan ako ng pagpapahalaga at pagmamahal at dahil na rin sa pananampalatay ko sa panginoon,nagpapasalamat ako dahil buo na ang pagkatao ko naging makulay ito at naging makabuluhan ang buhay ko.
Sa ngayon ito lang po yung masasabi ko pahalagahan mo yung taong nandyan at nag-mamahal sayo as long as masaya kayo!!!!! yan ang importante...